Mag-utol niratrat ng tandem

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang 21-anyos na estudyanteng dalaga habang malubha naman ang kapatid nito matapos na pagbabarilin ng  riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa hangganan ng Brgy. Labnig at Brgy. Estancia sa bayan ng Malinao, Albay kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Cope Hospital sa Tabaco City ang biktimang si Ma. Nymia Pioy habang ang bunsong kapatid nito na naisugod naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay si Lyndon Pioy, 18, estudyante at kapwa nakatira sa Brgy. Soa sa nabanggit na bayan. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ruben Sodsod, papauwi na ang mag-utol na magkaangkas sa motorsiklo mula sa eskuwelahan nang sabayan at ratratin ng motorcycle-riding assassins.

Show comments