Hapones, GRO nag-sex sa beach, tiklo

MANILA, Philippines - Bagsak sa kalaboso ang 31-anyos na Japanese designer matapos maaktuhang nakikipag-sex sa isang guest relation officer sa dalampasigan ng beach resort sa Barangay Bakhawan sa ba­yan ng Daanbantayan, Cebu kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang Hapones na si Keigo Netso, sikat na designer at tubong Shinagawaku, Tokyo, Japan.

Arestado rin ang ka-partner ng Hapones na si Arlene Diesto, 31, nagtratrabaho sa Mermaid Bar na matatagpuan sa Lapu-Lapu City, Cebu at nakatira sa Brgy. Pusok.

Ang dalawa ay inireklamo ng ilang residente kaugnay sa kalaswaang ginagawa ng dalawa na nagtatalik sa pampublikong lugar.

Agad namang rumes­ponde ang mga operatiba ng pulisya at naaktuhan ang dalawa na kapwa hubo’t hubad na nagse-sex sa beach.

Kasalukuyan nang humihimas ng rehas na bakal ang magka-partner sa himpilan ng pulisya habang inihahanda na ang kasong kriminal laban sa dalawa.

Show comments