TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao na sinasabing miyembro ng sindikato na nagpapaÂkalat ng libu-libong pekeng pera ang naaresto ng mga opeÂratiba ng pulisya sa pamilihang bayan ng Ramon, Isabela kahapon.
Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Danilo Tejada, 59; Mary Ann Lacon, 39; Mary Joy Sandoval, 42; at si Dolores Lacon, 68, pawang nakatira sa Caloocan City, Metro Manila.
Ayon kay P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr., Isabela PNP director, ang nasabing grupo ay pinaniniwalaang nasa likod din ng bentahan ng bultu-bultong pekeng pera sa ilang kandidato noong midterm elections na pinambili ng boto.
Naaresto ang mga suspek matapos ipagbigay-alam ng mga stall holders sa palengke ang kahina-hinalang kilos ng grupo na halos lahat ng mga puwesto na kanilang binilhan ng kakaunting delata ay nagbabayad ng P1,000.
Nasamsam sa mga suspek ang 107 pirasong pekeng pera habang paÂtuloy naman ang follow-up operations ng pulisya.