^

Probinsiya

4 tiklo sa 107 pirasong bogus money

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao na sinasabing miyembro ng sindikato na nagpapa­kalat ng libu-libong pekeng pera ang naaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya sa pamilihang bayan ng Ramon, Isabela kahapon.

Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Danilo Tejada, 59; Mary Ann Lacon, 39; Mary Joy Sandoval, 42; at si Dolores Lacon, 68, pawang nakatira sa Caloocan City, Metro Manila.

Ayon kay P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr., Isabela PNP director, ang nasabing grupo ay pinaniniwalaang nasa likod din ng bentahan ng bultu-bultong pekeng pera sa ilang kandidato noong midterm elections na pinambili ng boto.

Naaresto ang mga suspek matapos ipagbigay-alam ng mga stall holders sa palengke ang kahina-hinalang kilos ng grupo na halos lahat ng mga puwesto na kanilang binilhan ng kakaunting delata ay nagbabayad ng P1,000.

Nasamsam sa mga suspek ang 107 pirasong pekeng pera  habang pa­tuloy naman ang follow-up operations ng pulisya.

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DANILO TEJADA

DOLORES LACON

ISABELA

MARY ANN LACON

MARY JOY SANDOVAL

METRO MANILA

SENIOR SUPT

SOTERO RAMOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with