MANILA, Philippines - Patay ang matandang mag-ina matapos ang mga itong makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Hacienda Conchita, San Dionisio, Iloilo nitong Biyernes ng gabi.
Halos hindi na makilala matapos magmistulang uling ang bangkay ng mga biktimang kinilalang sina Lilia Villanes, 98-anyos, biyuda at anak nitong si Santiaga VillaÂnesÂ, 75-taong gulang.
Sa ulat ni Iloilo Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Gil Blando Lebin Jr., naganap ang sunog na tumupok sa tahanan ng mga biktima sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-7:30 ng gabi sa nasabing lugar.
Base sa inisyal na imÂbesÂtigasyon, bunga ng kaÂtandaan ay nabigong maÂkalabas ang mag-ina na tuÂluyang nakulong ng sunog na umabo sa kanilang bahay na gawa sa mahinang uri ng materyales.
Ayon sa mga awtoridad, walang supply ng kuryente sa lugar kaya pinaniniwalaang mula sa natumbang nakasinding lampara ang sanhi ng sunog at aabot sa P 200,000 ang pinsala.