^

Probinsiya

Matandang mag-ina naabo sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang matandang mag-ina matapos ang mga itong makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan­ sa Hacienda Conchita, San Dionisio, Iloilo nitong Biyernes ng gabi.

Halos hindi na makilala matapos magmistulang uling­ ang bangkay ng mga biktimang kinilalang sina Lilia Villanes, 98-anyos, biyuda at anak nitong si Santiaga Villa­nes­, 75-taong gulang.

Sa ulat ni Iloilo Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Gil Blando Lebin Jr., naganap ang sunog na tumupok sa tahanan ng mga biktima sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-7:30 ng gabi sa nasabing lugar.

Base sa inisyal na im­bes­tigasyon, bunga ng ka­tandaan ay nabigong ma­kalabas ang mag-ina na tu­luyang nakulong ng sunog  na umabo sa kanilang bahay na gawa sa mahinang uri ng materyales.

 Ayon sa mga awtoridad, walang supply ng kuryente sa lugar kaya pinaniniwalaang mula sa natumbang nakasinding lampara ang sanhi ng sunog at  aabot sa P 200,000 ang pinsala.

vuukle comment

AYON

GIL BLANDO LEBIN JR.

HACIENDA CONCHITA

ILOILO PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

LILIA VILLANES

SAN DIONISIO

SANTIAGA VILLA

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with