Lola utas sa ballroom dancing

CAMARINES NORTE, Philippines  - Nauwi sa pagluluksa ang masayang kasiyahan ng mga senior citizen matapos masawi ang 70-anyos lolang kalahok sa Ballroom Dancing Competition sa Daet Heritage Center kamakalawa ng gabi sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Mercedes Luna ng Barangay Mangcruz.

Sa panayam kay Ely Avecilla, hepe ng Office ng Senior Citizens Affair (OSCA), katatapos pa lamang magsayaw ng biktima nang umupo at magpahinga.

Subalit ilang minuto ang nakalipas ay humingi ito ng saklolo dahil sa paninikip ng dibdib habang isinasagawa na ang awarding ceremony.

Nabatid na ang nasa­bing kompetisyon ay bahagi ng selebrasyon ng Pinyasan Festival at ang nalalapit na kapistahan ng Patron ni San Juan Bautista sa Hunyo 24. 

 

Show comments