2 minero utas sa gas poisoning

MANILA, Philippines - Dalawang minero ang iniulat na nasawi matapos makalanghap ng nakalalasong gas sa pribadong minahan sa Nagawa Bugayong Mine Portal, Barangay Ampucao sa bayan ng Itogon, Benguet kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Simeon Wakit Dulawan, 36, ng Lusod, Kabayan; at Roy Killas, 23, ng Kabangsalan, Kayapa, Nueva Vizcaya. Sa ulat ni Cordillera PNP director P/Chief Supt. Benjamin Magalong, pumasok ang apat na minero sa tunnel ng minahan pero habang nasa loob ay nakaamoy ang mga ito ng nakalalasong gas kaya nagmamadaling lumabas. Gayon pa man, nabigong makalabas ng tunnel ang dalawang biktima na nasawi.

Show comments