Magbiyanan pisak sa bus

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magbiyanan makaraang mahagip ng minibus sa Apatot Bridge, Barangay Darat, bayan ng Badoc, Ilocos Norte kahapon. Kinilala ni Ilocos Norte PNP spokesman P/Supt. Jeffrey Gorospe ang mga biktima na sina Anatalia Pagdilao, 70; at Delia Pagdilao, 33, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Arestado naman ang driver ng bus na si Arthur Sunido ng Barangay Quezon Cabugao, Ilocos Sur. Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad sa nasabing tulay ang magbiyanan nang magdesisyong tumawid. Dito na nahagip ng bus ang mga biktima kung saan nagkalasug-lasog ang katawan matapos magulungan.


Show comments