CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang isang konsehal ng barangay makaraang pagbabarilin ng kabarong konsehal sa gitna ng kalsada sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Balaton, bayan ng Lagunoy, Camarines Sur kahapon ng umaga. Kinilala ang napatay na si Kagawad Teody Remillan habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Kagawad Rolly Galendes, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nag-ugat sa krimen sa session ng kanilang barangay kaugnay sa naÂlalapit na barangay eleksyon sa Oktubre 28, 2013. Nagalit ang suspek dahil hindi nagkasundo sa pagpupulong kaya inabangan ang biktima sa labas ng session hall bago isinagawa ang pamamaslang.