Ambush: Ex-DENR officer utas

MANILA, Philippines - Napatay ang dating opisyal ng lokal na sangay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang kritikal naman ang kasama nito makaraang tambangan ng  motorcycle-riding gunmen sa Barangay Magdaup, bayan ng Ipil sa Zambonga Sibugay kamakalawa ng tanghali. Napuruhan sa dibdib  ang biktimang si Rodolfo Balagot, 55, ng Barangay Andres habang isinasalba sa Sibub Hospital si Joel Canales na nasa kritikal na kondisyon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kaangkas sa motorsiklo si Balagot na minamaneho ni Canales patungo sa Palid Wharf nang harangin at pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins pagsapit sa bahagi ng Sitio Palid sa nabanggit na barangay.

Show comments