Magsasaka inutas sa kasalan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 49-anyos na magsasaka matapos saksakin ng kapwa niya bisitang senglot sa kasalan sa Barangay Bitag Grande, bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa. 
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Robert Callueng habang naaresto naman ang suspek na si Jeofrey Mayos, 33, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
 Sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa nasa kalagitnaan ng handaan sa kasalan ang dalawa nang lapitan ng suspek na lango sa alak ang biktima. Dito sinaksak ng suspek ang kaliwang kilikili ng biktimang duguang bumulagta sa gitna ng reception hall. Nagpulasan naman ang iba pang mga bisita sa takot na madamay habang nadakip ang suspek at nahaharap sa kasong murder. Pinaniniwalaang may matinding galit ang suspek sa biktima.

Show comments