LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi habang 58 naman ang nasagip at apat iba pa ang nawawala makaraang lumubog ang Ro-Ro vessel sa karagatan ng Agoha Point malapit sa Burias Island, Masbate kahapon ng umaga.
Kinilala ni Philippine Navy Spokesman Lt. Commodore Gregory Gerald Fabic ang mga nasawi na sina Carlota Zeña, 58, ng Baleno, Masbate; at Erlinda Jolbitado, 59, ng Pasig City.
Kabilang sa 58-katao na nasagip ng search and rescue team ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ay sina Joselito Lopez, Alen Rapsing, Loraine Ann Magat, Teresita Almano, Glenda Semeniano, Dionesio Mejanito, Rufer Leona Bonguet, Philgean Shean Tan, Alexandra Tan, Susan Magat, Rosita Gutierez, Victor Mamanag, Reynaldo Adbalagao Jr., Rhys Menard Virtucio, Leyneth Ballasteros, Dr. Ma. Theresa Arollado, Joselito Manalo, Generoso Macahilos Jr., Romnick Punzalan, Al Hussein Menor, Delfin Gulpan, Julius Accitunas, Kim Andrew Nedruda, at si Jude Cosido.
Kasama rin sa lumubog ay ang dalawang pampasaherong bus ng Isarog Bus Line na may mga plakang UYB-612 at EVV-589 at ang 6-wheeler truck (YLE-860) na pag-aari ng Camarines Sur ir Gasses.
Lumilitaw na patungong bayan ng Aroroy, Masbate ang M/V/Lady of Mt. Carmel (roll-on/roll-off) na pag-aari ng Medallion Shipping Lines mula sa pantalan ng Pio Duran, Albay ng magkaÂberya ang makina nito bgo unti-unting lumubog bandang alas-5:30 ng umaga.
Kaagad naman rumesÂponde ang pangkat ng Naval Southern Luzon na nakabase sa Legaspi City, Albay at isang Islander aircraft mula Cebu para tumulong sa search and rescue oÂperations.
Maging ang 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force ay tumulong rin sa search and rescue operation kung saan ang mga nasagip ay dinala sa Masbate Health Hospital.