Bus vs van: 1 patay, 9 grabe

QUEZON, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa driver ng van habang siyam na iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang pampasaherong bus at L300 van sa kahabaan ng highway sa Barangay Lalig, bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Gilbert de Villa ng Sariara, Quezon habang naisugod naman sa ospital sa San Pablo City ang mga pasahero ng bus na sina Amjaphil Dechosa, Gloria Candelaria, John Montaril, Cornal Carlo Magno, Faustino Zaragoza, Grace  Loren Ines Yanesa, at si Concepcion Valencia. Sugatan din sina Michael Vipino, at Estiven Gripon na lulan ng van. Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang Isarog Bus Lines (UYB-756) ni Fernado Vargas at sumalpok sa kasalubong na van (DFU-473) ni De Villa. Sa lakas ng pagkakabangga ay nawalan pa ng giya ang bus at bumulusok sa gilid ng highway habang tumakas naman ang driver nito matapos ang aksidente.

Show comments