2 desperado nag-suicide

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Dalawa-katao na pinaniniwalaang dumanas ng matinding depresyon ang nag-suicde sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Vizcaya kamakalawa ng umaga. Bandang alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ang  bangkay ni Arnold Gamboa na nakabitin sa bahay ng kanyang tiyuhing si Sergio Gamboa sa Sitio Nangalisan, Barangay San Antonio sa bayan ng Bambang. Samantala, nagbaril naman sa dibdib at namatay si Marcelino Villamor sa loob ng kanilang bahay sa Silawan Street, Barangay Roxas sa bayan ng Solano.

Show comments