2 todas sa road mishap
QUEZON, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos na bumangga ang trailer truck sa mga puno ng niyog sa gilid ng Maharlika Highway sa Brgy. Lungib, Calauag, Quezon kahapon ng madaling-araw.
Kapwa nabasag ang bungo at durog ang mga buto sa dibdib ng mga biktimang sina Emmanuel Marquez, driver, 35, ng Carmona, Cavite; at Ligaya Pacheco, 48, ng Gumaca, Quezon.
Samantala, kritikal naman ang truck helper na si Teodorico Anabo, 57. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang trahedya bandang alauna y medya ng madaling-araw kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trailer truck (ZZG-221) na kargado ng saku-sakong semento pagsapit sa kurbadang highway.
Tuluy-tuloy ang truck sa mga puno ng niyog na nasa gilid ng nasabing highway kung saan naipit ang dalawang biktima.
- Latest