Ina utas sa pagsagip sa anak

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang ina matapos nitong tangkaing sagipin ang 9-anyos anak na lalaki habang malubha naman ang mag-ama nito matapos na sunud-sunod na mahulog sa may 20 talampakang lalim na balon sa Calle Assumption, Barangay Ayala, Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Flordesie Lantaka habang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center ang mag-amang Antonio Lantaka, 47; at Mark Lantaka, 9. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sumasalok ng tubig sa balon ang batang si Mark nang mahulog kung saan tinangkang sagipin ng ina pero nahulog  ito sa balon. Sumunod namang nahulog ang ama habang inililigtas  ang mag-ina  pero maging ito ay nahulog din sa balon. Sa tulong ng mga kapitbahay ay naiahon ang pamilya Lantaka pero namatay si Flordesie.

Show comments