Bagong laya itinumba

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 60-anyos na paruladong lalaki matapos ratratin ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa Barangay Manggahan, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ng cal. 22 revolver ang biktimang si Leonardo “Borak” Mendoza, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Vincent Guinicaran, nakatayo ang biktima sa nirerentahan nitong apartment nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang ’di-kilalang lalaki. Sa tala ng pulisya, nabatid na nakulong na ang biktima sa kasong drug pushing noong 2012 at nakalaya lamang ito dahil sa ipinagkaloob na amnesty ng pamahalaan. Sinisilip ng pulisya ang anggulong onsehan sa bawal na droga ang motibo kaya isinagawa ang pamamaslang.

 

Show comments