MANILA, Philippines - Lima-katao ang nasawi kabilang ang dalawang halos naputulan ng ulo matapos na pagtatagain at pagbabarilin ng mga maskaradong kalaÂlakihan sa bayan ng Bugallon, Pangasinan kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa mga biktimang minasaker ay sina Romel Ramoran, 38; Ernesto Ramoran, 49; Ronald Ramoran, 34, na pawang tinadtad ng bala ng baril habang sina Albert Martinez (kapangalan ng artista), 25; at Jomer Ramoran, 17, ay halos naputulan ng ulo matapos pagtatagain.
Sa ulat ni P/Chief Inspector Ryan Manongdo na nakarating sa Camp Crame, naganap ang kalunus-lunos na krimen pasado alas-12:30 ng madaling-araw sa barung-barong ng mga biktima sa Barangay Poblacion sa tabi ng Grand Royal Subd. sa nasabing bayan.
Nabatid na kumakain ang mga biktima nang biglang pasukin ng mga armadong kalalakihan na agad sinunggaban at itinali ng plastic straps sina Jomer at Albert kung saan pinagbabaril sa paa at kamay saka pinagtataga sa ulo.
Tinangka namang umaÂwat nina Ernesto, Ronald at Romel pero pinagbabaril din sila bago mabilis na nagsitakas ang gunmen.
Sa crime scene ay narekober ng pangkat nina P/Supt Froiland Lopez at P/Chief Insp. Domingo Soriano ang 16 cartridge at mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol, 14 plastic straps, balisong mula kay Jomer at cell phone ni Martinez.
Samantala, lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na ang mga biktima ay isinasangkot serye ng akyat-bahay at pagnanakaw ng mga alagang hayop at iba pang illegal na aktibidad.
Sa tala ng pulisya, si Romel ay sinasabing na-convict ng korte sa kasong robbery at acts of lasciviousness pero nabigyan ng parole nitong nakalipas na huling linggo ng Abril.