2 patay sa kidlat

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang tamaan ng kidlat sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental noong Lunes ng hapon. Kinilala ang dalawang nasawi sina Remegio Javier, 60; at Carlo Delgado,16, kapwa nakatira sa Hacienda Angelita, Sitio Langka sa Barangay Camandag sa nasabing bayan. Naisugod naman sa ospital ang dalawang sugatang sina Alfie Javier, 9, anak ni Remegio; at Rolly Delgado, may-ari ng bahay na tinamaan ng kidlat. Sa ulat ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-5:30 ng hapon ng tamaan ng kidlat ang dalawang bahay na kinaroroonan ng mga biktima. Nabatid na si Remegio ay nagsasaing sa kusina habang sina Carlo at Alfie naman ay nasa bahay ni Rolly ng tamaan ng kidlat.

Show comments