Magpinsan tinodas sa droga

QUEZON, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa ba­wal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magpinsang lalaki ng motorcycle-riding assassins sa gilid ng highway sa Sitio Kaingin, Barangay Bignay 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga.

Kapwa nasapol sa ulo ang mga biktimang sina Marvin LIsan, 30; at Eric Leava, kapwa nakatira sa bayan ng Rosario, Batangas.

Batay sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang magpinsan nang humimpil pansamantala sa gilid ng highway para tumugon sa tawag ng kalikasan. Dito na nilapitan at niratrat ng di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang 8-basyo ng cal. 45 pistol  at isang sachet ng shabu sa bulsa ni Lisan na ayon sa pulisya ay may kinakaharap na kasong kriminal habang si Leava naman ay bagong laya matapos sa magpiyansa sa kasong homicide.

 

Show comments