Barangay chairman uli nilikida

BULACAN , Philippines   - Isa na namang barangay chairman na sinasabing kaalyado ni Mayor-elect Roderick Tiongson ang napaslang matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Lambakin sa bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng hapon. Sampung bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Feliciano Liwag, 51, ng Barangay Tigpalas sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya,  nakikipag-usap ang biktima sa mga kaibigan nang lapitan at ratratin ng mga di-kilalang lalaki. Sa tala ng pulisya,  napatay din si Chairman Ronie Raura ng Barangay Poblacion matapos pagbabarilin din ng riding-in-tandem noong Biyernes ng Mayo 3.

Show comments