MANILA, Philippines - Patay ang isang sundalo matapos makasagupa ang tinatayang nasa 30 miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Brgy. Duongan, Ilaya, Catanauan, Quezon nitong Biyernes.
Kinilala ang nasawing sundalo sa apelyido lamang nitong Pfc Denopol, kaÂsapi ng Bravo Company ng Army’s 74th Infantry Battalion (IB).
Ayon kay Lt. Col. Neil Estrella, Spokesman ng AFP-Southern Luzon Command bandang alas-8:15 ng umaga ng makasagupa ng tropa ng Army’s 74th IB ang grupo ng NPA fighters sa liblib na lugar ng Brgy. Duongan, Ilaya.
Sinabi ni Estrella na kasalukuyang nagsasagawa ng Internal Peace and Security Operation (IPSO) ang tropa ng militar ng masabat ang mga armadong rebelde na nagresulta sa mahigit isang oras na bakbakan.
Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang Improvised Explosive Device, wires, mga tents at iba pang mga kagamitan ng mga rebelde.