^

Probinsiya

FM radio station pinagbabaril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginulantang ng sunud-sunod na pagpapaulan ng bala ang isang FM radio station na pag-aari ng isang prominenteng negosyante sa Brgy. Central, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa.

 Sa ulat ni Supt.Joven Parcon, hepe ng Dipolog City Police, bandang alas-7:30 ng umaga ng dumulog sa kanilang himpilan si Engineer Franklin Lim alyas Akao, nasa hustong gulang, negosyanteng may-ari ng 88.9 DXFL FM radio station na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue St., Brgy. Central sa lungsod.

Ayon kay Lim, dakong alas-2:30 ng madaling araw ng bigla na lamang gulantangin ang kaniyang FM radio station ng sunud-sunod na pagpapaputok mula sa hindi pa nakilalang mga armadong suspek na ikinabasag ng salamin ng himpilan na umabot ang pinsala sa announcer’s booth.

Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa insidente bagaman lumikha ito ng ma­tinding takot at pagpapanik sa mga empleyado ng naturang FM radio station.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 13 basyo at nadepormang bala ng cal.45 pistol at patuloy rin ang pagsisiyasat sa kaso.

 

AKAO

AYON

BRGY

DIPOLOG CITY

DIPOLOG CITY POLICE

ENGINEER FRANKLIN LIM

GINULANTANG

JOVEN PARCON

NAREKOBER

RIZAL AVENUE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with