^

Probinsiya

Umbagerong tatay inutas ni nanay

Pilipino Star Ngayon

ILOILO CITY, Philippines – Nagwakas ang pagiging umbagero ng 63-anyos na mister matapos itong tagain at mapatay ng kanyang misis na sinasabing hindi na matiis ang pagmamalapit ng kanyang asawa noong Miyerkules nga gabi sa Barangay Iwa Ilaya sa bayan ng Pototan, Iloilo.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Angelito Bayog habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Lina Bayog, 53, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Aron Palomo, hepe ng Pototan PNP, dumating ang biktima na lango sa alak matapos dumalo sa kapistahan kung saan kinompronta nito ang kanyang misis sa hindi nabatid na dahilan.

Dito na tinadyakan ng suspek ang kanyang misis kung saan hindi pa nakutento ay iwinasiwas ang hawak na itak subalit hindi naman tinamaan ang babae.

Dahil sa takot na maulit ang ginawa ng kanyang mister ay nagawa nitong tagain sa tuhod ang suspek at ilang oras pa bago maisugod sa ospital kung saan ideklarang patay dahil sa pagkaubos ng dugo.

Napag-alamang  isinasangkot sa kasong murder ang biktima sa kanilang barangay samantalang  tumanggi namang kasuhan ng pamilya ang kanilang ina sa pagkakapatay sa kanyang mister. Freeman News Service

ANGELITO BAYOG

ARON PALOMO

BARANGAY IWA ILAYA

DAHIL

DITO

FREEMAN NEWS SERVICE

ILOILO

LINA BAYOG

POTOTAN

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with