Bus salpok sa pader: 9 grabe

BULACAN, Philippines - Siyam na pasahero ang iniulat na malubhang nasugatan matapos sumalpok ang aircon bus sa kongkretong pader sa gilid ng North Luzon Expressway sa Barangay Turo, bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Kabilang sa mga biktimang naisugod sa ospital sina Dorotea Noces, Randolph Noces, Mateo Hogat, drayber na si Eduardo Brasada, 46; at si Edison Tacuban, 39, ng Narvacan, Ilocos Sur habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ibang sugatan. Base sa police report, nakaidlip ang driver ng Partas Bus (TVR-693) na patungong Maynila kaya nawalan ng kontrol sa manibela at sumalpok sa sementadong pader pagsapit sa nasabing barangay.

Show comments