Doktor, misis patay sa tandem
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napatay ang 50-anyos na doktor at misis nito na sinasabing malapit na kaanak ng bagong halal na mayor at kongresista matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins sa kahabaan ng Naguilian-Baguio Road sa Barangay Acao, bayan ng Bauang, La Union noong Miyerkules ng gabi.
Naisugod pa sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San FerÂnando City subalit namatay din habang ginagamot ang mag-asawang sina Dr. Mario “Ching†Valera at Viena Valera, 48, kapwa nakatira sa bayan ng Bangued, Abra.
Ayon kay P/Chief Inspector Reynaldo Lizardo, hepe ng Bauang PNP, pauwi na ang mag-asawa lulan ng itim na Montero Sports utiÂlity vehicle (NOE 518) nang biglang sundan at ratratin ng riding-in-tandem.
Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng Super cal. 38 pistol.
Hindi naman inaalis ng mga imbestigador ng pulisya na may bahid-pulitika ang naganap na pamamaslang dahil sa kaanak ni Dr. Valero sina Mayor-elect Dominic Valero ng Bangued at Abra Rep. Jocelyn Valero -Bernos. Dagdag ulat ni Artemio Dumlao
- Latest