^

Probinsiya

4 Tsino dakma sa arms cache

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Apat na Tsino  na pinaniniwalaang sangkot sa sindikato ng droga at illegal logging ang nadakma ng mga operatiba ng pulisya makaraang makumpiskahan ng ibat’ ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril at pampasabog sa inilatag na checkpoint sa Barangay Davila sa bayan ng Pasiguin, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Pormal na sumasailalaim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Dang Hoi Yin, Lui xin, Lei Guang Feng at si Dennis Co na may driver’s license na kaloob ng Land Transportation Office sa Quezon City na may residence address sa #143 Basa Street, Calamba City, Laguna. 


Nasamsam sa SUV ng grupo ang tatlong MP5 assault rifles na itinulad sa official issue sa Operation Desert Storm sa Iraq; cal. 9mm Pietro Berreta, cal. 40 pistol, dalawang cal. 45 pistol, Glock 17 polymer 9mm pistol; walong granada at improvised explosive device.


Sa tala ng pulisya, dinakma rin ang 50 Tsino sa isang beach resort sa Barangay Botolan kaugnay sa hinalang pagpapatakbo ng Cybersex operation sa Ilocos Norte.

BARANGAY BOTOLAN

BARANGAY DAVILA

BASA STREET

CALAMBA CITY

DANG HOI YIN

DENNIS CO

ILOCOS NORTE

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEI GUANG FENG

OPERATION DESERT STORM

PIETRO BERRETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with