BULACAN, Philippines - Kalaboso ang dalawang kawani ng telecom company makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa kasong pagnanakaw sa Barangay Tabang, bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rex Lepiten, 28; at Bryan Ignacio, 29, kapwa nakatira sa Brgy. Sta. Rita at mga kawani ng AG Magno Construction and Telecom Company na sub-contractor ng Globe Telecom.
Ang mga suspek ay inireklamo ng dalawang security team ng nasaÂbing telecom company na sina Jon-Jon Masiclat at Jeumar Mendoza matapos madiskubre ang modus operandi ng dalawa.
Nabatid na kinukuha ng mga suspek ang mga expired na kontrata ng modem ng mga subscriÂbers saka ipapare-activate sa mga kasabwat na technician kung saan muling ibebenta sa murang halaga sa mga residente sa Guiguinto at Malolos City, Bulacan.
Kaagad namang inilaÂtag ang entrapment operation kung saan nasakote ang mga suspek sa loob ng mall
Kung saan narekober ang dalawang multicab, 28 yunit ng modem, at iba’t ibang gamit na nagkakahalaga ng P.2 milyon.