Ex-BCDA chairman umalma sa resulta ng eleksyon
OLONGAPO CITY, Philippines—Pormal na naghain ng election protest sa Bataan Regional Trial Court si dating Base Conversion Development Authority (BCDA) Chairman Felicito “Tong†Payumo kaugnay sa kuwestyunableng resulta ng katatapos na midterm elections sa Bataan noong Mayo 13.
Ganap na alas-2:35 ng hapon noong Lunes nang isumite nina Mayor Jojo PaÂyumo at Vice Mayor Leonardo Cruz ang reklamo sa prosecutors office.
Hangad ni ex- Rep. Payumo na magkaroon ng manual recounting ng official votes upang malaman kung magtutugma ang resulta ng PCOS machine sa aktuwal na bilaÂngan dahil kaduda-duda ang resulta ng nasabing halalan sa nasabing probinsya.
Kabilang ang mga bayan ng Dinalupihan, Orani, Samal, Bagac, Limay, Orion at bayan ng Mariveles ang isinama ni Payumo sa election protest.
Ibinunyag din ng grupo ni Payumo ang sinasabing pagpapakilala ng isang tauhan ng Smartmatic sa mga kandidato sa Bataan bago ang eleksyon na kayang imaniubra ang resulta ng bilang ng boto kapalit ang halagang P84 milyon.
Natalo sa congressional race sa 1st district ng Bataan si Payumo ng Liberal Party laban sa dati nitong kaalyado na si Rep. Herminia Roman.
Hindi naman nakuha ang paliwanag ng Smartmatic para ibigay ang kanilang panig.
- Latest