TUGUEGARAO CITY , Philippines – Nasa bingit ng kamatayan ang 65-anyos na nanay matapos barilin ng kanyang anak na nagwawala sa Barangay Bangag, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. Patawirin ang buhay matapos isugod sa ospital ang biktimang si Aniceta Opina na sinasabing nagtangkang agawin ang cal. 38 revolver sa kanyang anak si Richard Opina, 38. Lumalabas sa imbestigasyon na bangag ang suspek na naghahamon ng suntukan sa kanyang mga kapitbahay at dumaraang tao. Nairita ang suspek sa kanyang nanay na umaawat sa kanya kaya binaril ito sa tiyan saka mabilis na tumakas. Kung saan tugis naman ng pulisya.