Mister lubog sa utang, nagbigti

TUGUEGARAO CITY , Philippines   â€“ Dahil sa pagkakalubog ng kanyang pamilya sa utang dala ng pagkakahumaling ng asawa sa pagsusugal, nagpasya ang 44-anyos na magsasaka na mag-suicide matapos itong  magbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Juan, bayan ng Pasiquin, Ilocos Norte kahapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Joseph Baltazar, hepe ng Pasiquin PNP ang biktima na si Edilberto Sergio.
Natagpuan ng mga kaanak ang bangkay ng biktima na nakabitin at luwa pa ang dila sa loob ng kanilang kuwarto dakong alas-6:30 ng umaga.
Napag-alaman na mayroong kapatid ang biktima na nagpakamatay din noong nakalipas na taon.

Show comments