Mag-ama minasaker sa palaisdaan
UNISAN, Quezon , Philippines - Hindi na binigyang pagkakataon na gumising ang mag-ama makaraang pagtatagain hanggang sa mamatay ng kapitbahay na lalaki dahil sa matinÂding Âinggit bilang katiwala sa palaisdaan sa Barangay Ibabang Bulo, bayan ng Unisan, Quezon, kamakalawa.
Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng mag-amang Juanito Tampor, 51, katiwala ng palaisdaan at Rexon, 10.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng umaga nang natuklasan ng mga residente ang duguang bangkay ng mag-ama sa kubo sa binabantayang palaisdaan na pag-aari ni Editha Valerio.
May teorya ang pulisya na nasa kahimbingan ng pagtulog ang mag-ama nang pasukin at pagtatagain ng suspek na si Emerson Mariquet.
Natuklasan din ng mga imbestigador na may tama ng bala sa likuran si Juanito.
Tugis na ngayon ng pulisya ang suspek na sinasabing may malaking inggit sa mag-ama dahil sa pagiging katiwala sa palaisdaan.
- Latest