3 tiklo sa pot session

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng tatlo- katao na sinasabing adik sa bawal na droga matapos maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya sa pot session sa Barangay Kaypombo, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Eduardo Cidamon, 30; Guiller Sanvictores, 32; kapwa nakatira sa Sitio Tibagan; at Mary Lovell Peñalosa, 27, ng Belmont Subd. sa nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Peñalosa kung saan naaktuhan ang mga suspek sa pot session matapos makatanggap ng impormasyon sa ilang residente. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu, at drug paraphernalias na ginagamit sa pot session.

 

Show comments