Bike vs bike: Mag-asawa dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng KM 7, Barangay Pacol sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mag-asawa na hindi umabot ng buhay sa Bicol Medical Center na sina Gilbert Herras, 31; at Annaliza Herras, 21, kapwa nakatira sa Barangay Capilihan, Calauag. Samantala, malubha naman ang dalawang nakasalpukan ng mag-asawa na sina Carlo Jallores, 2; at Eddie “Boy” Baldorado, 22 , kapwa residente ng Zone 3, Barangay Panicuason sa nabangit na lungsod.

 

Show comments