Trader, ka-live-in itinumba ng tandem

KIDAPAWAN CITY, North Cotabato, Philippines - Napatay ang magka-live-in na may-ari ng  hardware store habang sugatan naman ang dalawang trabahante nito makaraang ratratin  ng mga di-pa nakilalang kalalakihan sa loob ng kanilang pamamahay sa isang subdivision sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Chino Mamburam, hepe ng Kidapawan City PNP ang mga biktima na sina Gina Bayhon, misis ng dating military officer at Kenneth Gelloriza, kapwa may-ari ng Donamae Hardware.

Sugatan naman ang dalawang trabahante ng nasabing hardware na sina Faith Penaflorida at Ivy Penalosa.

Ayon sa police report, kararating lamang ng mga biktima sa kanilang bahay nang sumulpot at ratratin ng riding-in-tandem assassins gamit ang armalite rifle.

Kaagad namang isinugod ang mga biktima sa pagamutan subalit idineklarang patay sina Bayhon at Gelloriza habang nagtamo naman ng iba’t-ibang tama ng bala sina Penaflorida at Penalosa.

Naniniwala si Mamburam na posibleng personal grudge o di-kaya may kinalaman sa negosyo ang sinusundan nilang motibo sa nasabing pamamaril.

Nabatid na si Bayhon ay may nakabinbing kaso sa mababang korte.

Aminado si Mamburam na ang mga suspek ay gun-for-hire.

Pero pinagtatakhan nito kung bakit sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng gun ban sa ay nakakalusot pa rin ang mga kriminal sa pagdadala ng matataas na uri ng baril.

 

Show comments