MANILA, Philippines - Walong pasahero ang iniulat na nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway sa Barangay Maasin, Zamboanga City kamakalawa ng umaga. Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Zamboanga City Medical Center at Brent Hospital ay sina Sharifa Imao, Hermalyn Hassan, Muhaimin Almin, Vincent Mercado, Sulma Saman, Kalma Hamsi, Mercy Perez, at si Alih Isnani. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, aksidenteng mabangga ng jeepney (PVJ 806) ni Feliz Dumalag ang pampasaherong jeepney (PVJ 806). Sa imbestigasyon, patungo sa kanlurang direksyon ang jeepney ni Dumalag nang bigla itong huminto para magbaba ng pasahero. Gayon pa man, gumiwang ang sasakyan sa kanang bahagi kung saan sinalpok ang isa pang jeepney na ikinasugat ng mga biktima.