Pulis nanapak sa himpilan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Posibleng masibak sa tungkulin ang isang tauhan ng pulisya na sinasabing lango sa alak matapos itong manutok ng baril at manapak ng dalawang kabaro sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Barcelona,  Sorsogon kahapon ng madaling-araw.  Pormal na kakasuhan habang nakapiit ang suspek  na si PO2 Joel Encinares. Base sa ulat, dumating sa himpilan ng pulisya ang suspek na sinasabing lango sa alak kung saan tinutukan ng baril ang dalawang kabaro na naka-duty. Gayon pa man nagtuloy sa kusina ang presinto ang suspek bago nanutok ulit ng baril at nanapak ng ilang kasamahang pulis na nagkakape.  Dito nagising ang kanilang hepe na si P/Insp. Romeo Rocio kung saan ipinag-utos nitong disarmahan at ikulong ang suspek. Kinilala naman ang mga biktimang nasaktan na sina PO1 Eddie Escanilla, PO1 Marvin Espineda, SPO1 Meynard Garcera, at si PO2 Marlon Alamer.

Show comments