MANILA, Philippines - Kusang sumuko sa mga awtoridad ang itinuturing na top lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Kalinga matapos ang mahabang panahong pagtatago sa batas.
Kinilala ni P/Senior Supt. Froilan Perez, director ng Kalinga PNP ang sumurender na si Benigno Conggas Cagwayan, 48, gumagamit ng mga alyas na Ka Dukang, Ka Mel, at Ka Garcia, tubong Sitio Opon,Barangay Poswoy sa bayan ng Balbalan, Kalinga.
Si Cagwayan na may patong sa ulo na P500,000 at may anim na warrant of arrest sa mga kasong double murder, frustrated murder, 3 counts ng murder at robbery na inisyu ng Tabuk City Regional Trial Court Branch 25 ay sumuko sa Regional Intelligence Unit (RIU-14) sa Camp Bado Dangwa; Regional Intelligence Division (RID), Intelligecne Group (IG); at Kalinga PNP provincial Office noong Linggo ng umaga
Sa tala ng pulisya, si Cagwayan ay team leader ng 2nd Larangang Yunit Guerilya (LYG) na may code name: “Steady†ng Kilusang LaÂrangang Gerilya Baggas na may operasyon sa Kalinga at ika-24 sa 3rd Periodic Status Report ng Threat Group/ Order of Battle noong 2012.
Sinabi naman ni P/Chief Supt. Benjamin Magalong, director ng Cordillera PNP na dumanas ng panibagong dagok at patuloy ang paghina ng NPA sa Kalinga matapos na sumuko si Cagwayan. Joy Cantos, Artemio Dumlao at Raymund Catindig