TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napaslang ang 52-anyos na hepe ng mga barangay tanod habang kritikal naman ang kanyang pinsan matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Tabbugan sa bayan ng Claveria, Cagayan kamakalawa.
 Kinilala ni P/Chief Insp. Rene Estabillo ang napatay na si Jimmy Benigno matapos mapuruhan ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa dibdib. Samantalang nadale ng bala sa ulo at leeg si Rowell Benigno. Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong hidwaan ng mga biktima laban sa negosyante na kinukuwestiyon ang proyektong naipatayo sa nasabing bayan.