BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao kabilang na ang 82-anyos na biyudong amo ang napaslang makaraang pagsasaksakin ng sarili nitong driver sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Ibaan, Batangas noong Linggo ng gabi.
Kabilang sa napatay ay ang amo na si Armando Caringal, mga tauhan nitong sina Vincent Salibio, 20; at Cesline Macatangay, 21, ka-live-in ni Vincent na pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Arestado naman ang suspek na si Neil Ashley Diama, driver ni Caringal habang pinaghahanap naman ng pulisya ang kasabwat ni Diama na si Angelito Panganiban.
Sa report ni P/Senior Inspector Jose Naparato, Jr., hepe ng Ibaan PNP,
Sinasabing nagtalo sina Salibio at Diama dahil sa paninirang ginagawa ng una sa kanilang among si Caringal bandang alas-nuebe ng gabi.
Matapos magtalo ng dalawa, umalis sa bahay si Diama kasama si PaÂnganiban at uminom ng alak sa binyagan.
Bandang alas-10:30 ng gabi nang bumalik ang mga suspek sa bahay ng amo at pinagsasaksak na ang magka-live-in at idinamay na rin ang kanyang amo matapos masaksihan ang krimen.
Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto si Diama sa kanilang bahay samantalang tinutugis pa si PaÂnganiban.