^

Probinsiya

Amo, 2 pa minasaker

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao kabilang na ang 82-anyos na biyudong amo ang napaslang makaraang pagsasaksakin ng sarili nitong driver sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Ibaan, Batangas noong Linggo ng gabi.

Kabilang sa napatay ay ang amo na si Armando Caringal, mga tauhan nitong  sina Vincent Salibio, 20; at Cesline Macatangay, 21, ka-live-in ni Vincent na pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Arestado naman ang suspek na si Neil Ashley Diama, driver ni Caringal habang pinaghahanap naman ng pulisya ang kasabwat ni Diama na si Angelito Panganiban.

Sa report ni P/Senior Inspector Jose Naparato, Jr., hepe ng Ibaan PNP,

Sinasabing nagtalo sina Salibio at Diama dahil sa paninirang ginagawa ng una sa kanilang among si Caringal bandang alas-nuebe ng gabi.

Matapos magtalo ng dalawa, umalis sa bahay si Diama kasama si Pa­nganiban at uminom ng alak sa binyagan.

Bandang alas-10:30 ng gabi nang bumalik ang mga suspek sa bahay ng amo at pinagsasaksak na ang magka-live-in at idinamay na rin ang kanyang amo matapos masaksihan ang krimen.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto  si Diama sa kanilang bahay samantalang tinutugis pa si Pa­nganiban.

 

vuukle comment

ANGELITO PANGANIBAN

ARMANDO CARINGAL

BARANGAY POBLACION

CESLINE MACATANGAY

DIAMA

IBAAN

NEIL ASHLEY DIAMA

SENIOR INSPECTOR JOSE NAPARATO

VINCENT SALIBIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with