Ambush: Chairman, 3 tanod nakaligtas

TUGUEGARAO CITY , Philippines   â€”  Naligtasan ng barangay chair­man at tatlong barangay tanod ang salubong ni kamatayan matapos tambangan  ng mga armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Dalena, bayan ng San Pab­lo.
 Base sa police report, Dumalo sa kasalan si Chairman Bricsio Gummaru kasama ang tatlong barangay tanod nang ratratin ang kanilang trak pagsapit sa Sitio Flaviano.
 Mabilis namang nakatalon mula sa trak ang mga biktima bago ipinaabot ang insidente sa pulisya. 
Pinaniniwalaang may kaugnayan sa nagdaang eleksyon ang pananambang sa mga biktima.

 

Show comments