P1-M ari-arian nilimas ng akyat-bahay

CAVITE , Philippines   â€” Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng ari arian at cash ang nilimas ng Akyat-Bahay Gang makaraang pasukin ang tahanan ng negosyante at manugang nito kahapon ng madaling-araw sa Barangay Malabag, bayan ng Silang, Cavite. Base sa police report, bandang alas-4:30 ng madaling-araw ng pasukin ng apat na armadong kalalakihan ang bahay nina Jaime De Claro, 54, contractor at Cedric Roger Guy Riviere, 33, French national, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nilason muna ng mga kawatan ang tatlong aso ng biktima bago umakyat sa kon-kretong pader kaya naisagawa ang pagnanakaw. Kabilang sa gamit na tinangay ay apat na iPod, 4 iPhone, 2 laptop, mga alahas, 7 cellphones, 2 digicam, 2 bags at cal.38 revolver.

Show comments