1 patay, 30 sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 24-anyos na lalaki habang 30 iba pa ang nasugatan makaraang bumaliktad  ang pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Olo-Olo Sur sa bayan ng  Santiago, Ilocos Sur noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Marlou Castillo ng Ilocos Sur PNP ang nasawi na si Joel Vez  Pacquing, isang bystander na minalas na madaganan ng bus habang naisugod naman sa Candon General Hospital ang mga sugatang biktima sa katawan. Patungo sa bayan ng Bangued, Abra ang Dominion Bus Liner (UVK-125 ) ni Raymundo Ulpino nang mawalan ng kontrol sa manibela dahil sa madulas na kalsada. Dito nagpagiwang-giwang ang bus hanggang sa tuluyan itong bumaliktad sa kaliwang bahagi ng highway. Kasalukuyan namang nakatayo sa tabi ng highway si Pacquing na minalas na madaganan ng bus.

 

Show comments