TUGUEGARAO CITY, Philippines- Hindi na tinablan ng awa at siniÂguro pang napatay ang 77-anyos na lola matapos itong ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bisinidad ng Barangay San Roque sa bayan ng Vintar, Ilocos Norte kahapon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Pacita Foronda ng Barangay 10 Parparurok sa nasabing bayan. Samantala, nasakote naman ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Jaime Quiocho ang isa sa tandem na si Odilon Pindao, tubong bayan ng Luna, Apayao. Pinaniniwalaang personal na galit ang isa sa motibo kaya pinatay ang matanda. Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng cal. 45 pistol.