23-anyos wagi sa governatorial race
CAMARINES NORTÂE, Philippines – Naitala sa kasaysayan ng Camarines Sur ang pinakabatang gobernador sa bansa matapos na manalo ang 23-anyos na batang Villafuerte sa katatapos na mid term elections noong Lunes. Tanging si LRay “Migs†Villafuerte Jr. (NP) ang tumalo sa kanyang lolo na si ex-Rep. Luis Villafuerte (NPC); Atty. Joel Cadiz at dalawang iba pa sa congressional race. Si ex-Governor LRay Villafuerte Sr. (NP) na ama ni Migs ay tinalo ni ex-Presidential Son Rep. Dato Arroyo (LAKAS) ng 2nd district sa congressional race habang tinalo naman ni Atty. Leni Robredo (LP), asawa ng namayapang si ex-DILG Sec. Jesse Robredo ang lola ni Migs na si Atty. Nelly Villafuerte (NPC). Bigo naman ang actor na si Aga Muhlach (LP) na maging kongresista matapos matalo ni Atty. Wimpy Fuentebella (NPC) sa 4th district sa Camarines Sur.
- Latest