MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 66-anyos na lola matapos pagpapaluin ng kahoy at saksakin ng hindi nakilalang lalaki sa Barangay Upper Pulacan, bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur kamakaÂlawa.
Sa ulat ni P/Chief InsÂpector Ariel Huesca na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napaslang na si Nelly Sollano.
Ang bangkay ng matanda na natagpuan bandang alas-8:30 ng umaga ay nagtamo ng malalalim na pukpok sa noo, sugat sa kaliwang ulo at mga saksak sa iba pang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nabigo ang biktima na makauwi noong bisperas ng halalan gayong namataan itong naghahanda na para bumoto kinabukasan.
Natuklasan na lamang ang masaklap na sinapit ng biktima matapos na mapadaan ang isa nitong kapitbahay kung saan nakita ang matanda na nakabulagta sa damuhan.