PNP vs PAGs: 4 kritikal
CAVITE , Philippines – Apat sa labintatlong armadong kalalakihan na tumatayong private arm group na sinasabing mula sa grupo ng kilalang kandidato ang nasa malubhang kalagayan habang isa naman ang nasakote makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya malapit sa pampublikong sementeryo sa Barangay Caridad, Cavite City, Cavite noong gabi ng bisperas ng eleksyon.
Kabilang sa nakasagupa ng pulisya ay nakilalang sina Erick Magdaleno, 26; Jesus Ferreras, 33; Sherwin Santiago, 37; at si Julio Bornilla na pawang isinugod sa Philippine General Hospital habang nasa kustodiya na ng pulis si Ador Fontanos, 56.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Ruben Andiso, hepe ng Cavite City PNP, rumesponde ang mga operatiba ng pulisya matapos makatanggap ng ulat na may mga armadong kalalakihan na lulan ng dalawang sasakyan at nagpapaputok ng baril.
Dito na sumiklab ang putukan kung saan duguan ang limang lalaki.
Nasamsam sa limang lalaki ang ilang matataas na kalibre ng baril, mga bala, bonnets, campaign materials na may tatak na Rusit for councilor.
Narekober naman ang mga plakang PZQ 590 at PNP 111 sa isang Toyota Grandia van habang ang plakang ZKF 519 naman ay nasamsam sa compartment ng Mazda 3.
- Latest