TUGUEGARAO CITY, Philippines - Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na failure of elections sa apat na polling precinct dahil maling balota at precinct count optical scan (PCOS) machines ang maipadala sa Baguio City.
Ayon kay Comelec-Cordillera Regional Director Jose Nick Mendros, ang mga walang balota na presinto ay ang 0379A, 0379B, 0380A at 0381B sa Rizal Elementary School sa Barangay Lualhati. Dahil dito ay magsasagawa ang lupon ng halalan ng special elections para sa mga nabanggit na presinto.
Makikipag-ugnayan naman si Barangay Chairman Norma Bustarde sa pamunuan ng Comelec para sa special polls sa kanilang barangay na may 638 botante.
Napag-alaman na ang mga balota sa mga nasabing presinto ay na dapat nasa sa Compostella Valley ay naipadala sa Baguio City.
Hindi naman kaagad nasuri ang mga naipadalang balota at PCOS machines sa nasabing barangay dahil sa mahigpit na utos ng Comelec na maaari lamang buksan ang mga balota sa araw ng halalan, ayon kay Atty. Reddy Balarbar, Comelec-Cordillera lawyer.
Wala naman iba pang iniulat na may naganap na kahalintulad na insidente sa ibang barangay.